I am in misery.
For when I am in misery
The poem ceases to be
Words crafted and chiseled
From abstracted thought.
The poem begins to be me.
August 31, 2000
4.41 pm, Thursday
Paano?
May 16, 2011
Paano kung ngayon ang araw na pinakahihintay mo?
Ang araw na di mo na kailangan maging matapang dahil ang tinitibok ng puso mo
Ay may puso na ring sabay sa tibok ng puso mo?
Paano kung ang araw na ito ay laan pala para sa ngiting matagal
Mo nang naitago sa dami ng pait na iyong sinamsam?
Paano kung ang araw na ito na ang magbibigay sa iyo
Ng bagong imahen ng iyong sarili sa iyong pananalamin?
Paano kung ang lakas na miminsang muntikan nang maubos ay sa araw na ito
Manunumbalik dala ang inspirasyong dati pang hanap?
Paano kung ang gising mo sa umagang ito ay sasalubong
Na sa ligayang di mo pa naranasan kailanman?
At paano kung ang tulog mo sa kinagabihan ay handog naman ang himbing,
Batid ang galak sa araw na nagdaan?
Paano kung ito na ang sandaling di mo kailangang maghanap
Dahil ikaw mismo ang natagpuan?
Paano kung ang mundo mo, na minsa’y kambal din ng pagal
At lumbay, ay kaisa na ng isang taong matagal mo nang minasdan
Mula sa malayo?
Paano kung ikaw, na minsan mo na ring inamin na puno ng lungkot,
Ay sya nang magdadala ng ligaya sa isa pang matagal nang naghahanap?
Paano kung mahal ka na nya? Paano kung ito na nga ang araw?
Paano nga ba?
At paano kung sa dami na ng iyong pinagdaanan,
Hindi ka bumangon sa pagkakahiga mo at nagpasya nang “tama na!”?
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.




