I am in misery.
For when I am in misery
The poem ceases to be
Words crafted and chiseled
From abstracted thought.
The poem begins to be me.
August 31, 2000
4.41 pm, Thursday
The Truth According to Philippine Movies/TV
December 31, 2011A few days ago, I thought of how some stories in Philippine movies/TV have undeniable patterns in them. As sure as a child is kidnapped you’re sure to have a song-and-dance number by the beach as a celebration after a rescue. So this made me post numerous “observations” on my FB and I am compiling it here:
Kung susundin ang Filipino TV drama stories, ang tunay na sukatan ng pagmamahalan ng pamilyang Pilipino ay ang pagbubuklod habang nilulutas ang pagkikidnap sa anak ni Mommy at Daddy na kamakailan lang ay nagkagalit dahil sa kabit.
Kung susundin ang Filipino TV drama stories, magtiis ka lang kung naghihirap ka ngayon. Ilang sandali na lang matutuklasan na anak ka pala ng naka wheelchair na milyonaryo. Ingat ka nga lang sa sexy nyang pangalawang asawa, pahihirapan ka nyan bago mahulog sa bangin ang kotse nya habang pinagtatankaan ang buhay ng Papa mo.
Kung susundin ang Filipino TV drama, kahit nahiwalay ka sa pamilya mo pero guapo ang kasintahan mo, nagiging palaka ka. At kung ginintuan ang puso mo, nakakausap mo ang mga hayup.
Kung susundin ang Filipino TV drama at guapo ka, may diperensya naman ang pag-iisip mo.
Kung susundin ang pelikulang Pilipino, di mo mapapatay ang mga salbahe sa mundo kung wala kang baon na pagkahabahabang witty o malalim na sasabihin bago mo iputok ang baril mo. At walang talab ang bala mo sa isang manipis na tabla na pinagtataguan nya. Dapat naka leather jacket ka din kahit kalagitnaan ng summer.
These were posted individually and have gotten a lot of comments in my FB, some of them adding their observations. Here are some more:
Kung susundin ang Pinoy films, isang bala at punyal lang panalo ka sa duelo.
Di lang yun, ang anak mo lang ang natatanging makakatawid ng linyang “Ang saging lang ang may puso!!”
Kung susundin ang pelikulang Pilipino, wag ka magpapasalubong ng pancit (nanakabalot ng paper bag) para sa nanay mo. Uubo sya ng may dugo at lulubha ang sakit nya.
At si Lucita Soriano nanay mo!
Kung susundin ang pelikulang Pilipino at mayaman ka, palaging ang kotse mong 80s model ang natataon na gamit mo pag may masasamang loob na gigitgit sa iyo at babanggain ka. At lagi namang sa Antipolo o sa Neopolitan Fairview ka tatambangan. At di mo mamamalayan nasa Panay Avenue na kayo nagbabarilan.
Ibig sabihin kaya nyo magteleport.
Kung susundin ang pelikulang Pilipino, may kakambal ka!
Masama ugali mo at mayaman ka. Babait ka lang kasi magtatagpo kayo at matatauhan ka na nabiyayaan ka nga karangyaan. Magbabago ka at pagnagtagpo na kayo pareho kayo may problema sa mata. Kasi magkaharap na kayo parang nakatingin ka lang sa wala pag sya kausap mo. At di kayo naghahawak ng kamay. Imposible e.
Kung susundin ang pelikulang Pilipino at busilak ang puso mo at di ka makabasag pinggan, nasampal ka na ng tiyahin mo.
At alin man dito ang tiya mo, Odette Khan o Daria Ramirez.
At tumatanggap ka ng labahin kay Mrs. Chua. (Na ang asawa ay may pagnanasa sa iyo.)
Kung susundin ulit ang pelikulang Pilipino, wag ka maglalaba o maliligo sa batis.
Dyan mo masisilayan ang unang Hapon na sumalakay sa ating bayan. At sa kasamaang palad, mukhang Pinoy pa.
How about you? You have observations, too?
Thank you
December 27, 2011I seem to have lost a valued reader of my blog.
I don’t really post much but a few months ago someone was reading my posts religiously. I felt elated as the reader seemed interested in what I was going through. Nowadays, this blog is just an occupant of cyberspace and a repository of my musings with that person probably not interested anymore. Sad.
But..




